Ang Tunay na Kapalit ng Pagtitiyaga: Kapangyarihan


Nang manghimasok ako sa DECS na DepED na ngayon, wala akong personal na nagawa kundi pumayag lamang sa anumang kagustuhan ng aking pinuno sa paaralan. Unti-unti ko yong tiniis pagkat alam na alam ko'y dapat sumunod ako sa anumang patakaran ng eskwela bilang isang pampublikong guro ng paaralan.

Cmdr. Bara Jalaidi Primay School ang una kong paaralan noon bilang annex school ng Kan Ikuh Elementary School at Panglima Ahajan Elementary School na ngayon. Dumaan ako ng tatlong punong-guro hanggang sa humantong sa pagkakaalis ng aking eskwela sa opisyal na lugar sa Karawan, Indanan, Sulu nang dahila lamang sa gyera noon. Halos abutin ng dalawang dekada na ako'y isa pa ring titser ng Cmdr. Bara Jalaidi na lagi na lang nakatabi sa Panglima Ahajan Elementary School. Akala ko'y wakas na yon hanggang sa mag-retire ako sa serbisyo.

Dumating ang geo-tagging requirement ng DepED noong 2015. Sinabi ng PSDS ng Indanan South District sa aking punong-guro, Mussah A. Arabain na kailangan ma-geotag ang Cmdr. Bara Jalaidi sa kanyang original site. Gumawa ako ng school shack doon sa Karawang sa tulong ni Pinunong Barangay, Aksan Mudjamil. Napakahirab talaga bumalik doon sa opisyal na site ng eskwela pagkat ayaw ng ibang taga-Karawan ang lugar at mayroong gustong mag-donate ng site ayaw din ng unang donor.

May, 2016, sir Public Schools District Supervisor, Samoore S. Ladjahali nagtalaga ng isang TIC (Teacher In-Charge) para sa Cmdr. Bara Jalaidi Primary School. Si Nagdar U. Sasapan ang itinalaga. Pinagkasunduan nilang dalawa na dapat itayo ang Cmdr. Bara Jalaidi PS sa original site na may Deed of Donation. Kinausap ako ng PSDS Moore kung paano mahanap ang old building ng school kahit bulok na yon.

Finally, nahanap pa rin namin ang old building na walang atip, walang bintana at puo mga halanang gubat na ang tumubo doon. Nang dumating ang 2017, nag-utos ang PSDS na e-elevate na sa elementarya ang Cmdr. Bara Jalaidi at natupad namin yon ni Sir Nagz.

After one year, kinausap ako ng PSDS at si Sir Nagz. Ginawa na lamang akong Kindergarten titser sa morning doon sa Cmdr. Bara Jalaidi ES sapagkat kailangan ding akong maging District Liaison Officer sa hapon. Kinausap din ng PSDS ang Barangay Captain na mag-hire ng isang volunteer titser upang maka-full time ako bilang District Liaison Officer at pumayag naman ang Kapitan.

Last February 2, sinama ako ng PSDS sa Bunot ES at Dayuan ES upang bisitahin ang bagong guro sa Bunot ES at ang mga classroom titser pati na ang mga batang mag-aaral. Nang dumating ang gabi, nag-post ang PSDS ng mga photos namin doon sa Bunot ES at Dayuan ES. Nang mabasa ko ang caption, nabigla ako. Nakalagay doon na isa na akong TIC ng Panglima Misuari PS.